"SAME SEX MARRIAGE"
Maraming
isyu ang hinaharap ng lipunan ngayon. Mga problemang sumubok sa bawat isa. Isa
sa hinaharap na suliranin ng bansa ay ang same sex marriage. Ano nga ba ang
same sex marriage?
Ang
same sex marriage ay ang pagpapakasal ng parehong kasarian. Ito’y mahigpit na
ipinagbabawal ng simbahang katoliko dahil labag ito sa mata ng Diyos. Dahil
ayon sa bibliya, tanging ang magkasalungat na kasarian lamang ang dapat na
ikasal. Paano ba natin bibigyang tugon ang ganitong suliranin?
Bilang
tao kailangan nating malaman kung hanggang saan ang ating limitasyon. Matutunan
ang batas ng bawat isa sa atin bilang tao na ang babae ay para sa lalaki at ang
lalaki ay para sa babae lamang. Kailangan nating tanggapin na may nakalaan na
para sa atin, ito man ay ating gusto o hindi. Salungat man sa ating kagustuhan
kailangan nating tupdin ang ating responsibilidad dito sa lupa.
Maraming
hindi sang-ayon sa same sex marriage pero sa bansang Estados Unidos legal ang
pagpapakasal ng magkaparehong kasarian. Kaya maraming mga taong nagpupunta roon
para sila’y ikasal at maging legal. Kung ating bibigyang pansin, hindi
magandang tingnan na sa iisang tahanan may nakatirang mag-asawa na pareho ang
kasarian.
May
mga tao din ang pabor sa same sex marriage dahil ayon sa kanila dapat din
nating bigyang pansin at respetuhin ang mga bakla at tomboy. Pero para sa akin,
hindi ako sang-ayon sa pagpapakasal ng parehong kasarian dahil bawat isa sa
atin ay may tamang taong nakalaan. Binibigyan ko naman sila ng respeto pero hindi
ko sila pinapaboran sa kanilang kagustuhan.