Biyernes, Agosto 28, 2015

SAME SEX MARRIAGE

"SAME  SEX MARRIAGE"
        Maraming isyu ang hinaharap ng lipunan ngayon. Mga problemang sumubok sa bawat isa. Isa sa hinaharap na suliranin ng bansa ay ang same sex marriage. Ano nga ba ang same sex marriage?
          Ang same sex marriage ay ang pagpapakasal ng parehong kasarian. Ito’y mahigpit na ipinagbabawal ng simbahang katoliko dahil labag ito sa mata ng Diyos. Dahil ayon sa bibliya, tanging ang magkasalungat na kasarian lamang ang dapat na ikasal. Paano ba natin bibigyang tugon ang ganitong suliranin?
          Bilang tao kailangan nating malaman kung hanggang saan ang ating limitasyon. Matutunan ang batas ng bawat isa sa atin bilang tao na ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae lamang. Kailangan nating tanggapin na may nakalaan na para sa atin, ito man ay ating gusto o hindi. Salungat man sa ating kagustuhan kailangan nating tupdin ang ating responsibilidad dito sa lupa.
          Maraming hindi sang-ayon sa same sex marriage pero sa bansang Estados Unidos legal ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian. Kaya maraming mga taong nagpupunta roon para sila’y ikasal at maging legal. Kung ating bibigyang pansin, hindi magandang tingnan na sa iisang tahanan may nakatirang mag-asawa na pareho ang kasarian.

          May mga tao din ang pabor sa same sex marriage dahil ayon sa kanila dapat din nating bigyang pansin at respetuhin ang mga bakla at tomboy. Pero para sa akin, hindi ako sang-ayon sa pagpapakasal ng parehong kasarian dahil bawat isa sa atin ay may tamang taong nakalaan. Binibigyan ko naman sila ng respeto pero hindi ko sila pinapaboran sa kanilang kagustuhan.

1 komento:

  1. Betway Casino: Review, Bonus, Software & Games 2021
    Betway Casino is powered by the iGaming industry and is powered by the iGaming nba betting odds industry and 쪽박 걸 is 비트 코인 게임 regulated e sport by the Malta Gaming Authority  Rating: 8.9/10 · ‎Review 바카라 게임 사이트 by CasinoSites.one

    TumugonBurahin